‘Gang rape’ sa asawa ng isang preso sa Bilibid, pinaiimbestigahan ng DOJ

New-Bilibid-PrisonPinaiimbestigahan na ng Department of Justice ang naganap umano na gang rape sa asawa ng isang preso sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Pinagsusumite ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III sa pamamagitan ng Indorsement na may petsang October 14, 2015 si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Ricardo Rainier Cruz III na magsumite ng subject comment and recommendation.

Ito’y alinsunod sa liham mula kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pinaiimbestigahan sa DOJ ang alegasyong sinasabi ng isang preso na ang kaniyang asawa ay ginahasa ng mga gwardya at iba pang mga preso.

Umapela kasi ang nasabing preso sa Korte Suprema dahil hindi na nasagot ng kagawaran ang kaniyang mga liham ng pagdulog.

Nangyari umano ang insidente noong January 2013.

Bigla umanong nawala ang biktima noong nasabing buwan, at lumitaw na lamang pagdating ng Agusto ng parehong taon.

Nalaman umano ng mga magulang ng biktima ang nangyari at sila na ang nagsabi sa asawa nitong nakakulong.

Read more...