6 patay, 18 sugatan sa 3 pagsabog sa Baghdad

baghdadHindi bababa sa 6 katao ang namatay habang 18 naman ang sugatan dahil sa tatlong magkakahiwalay na pagsabog sa Baghdad, Iraq.

Isa sa mga bomba ay sumabog sa isang residential area sa Saba al-Boor sa Baghdad nitong Biyernes na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng siyam.

Sa south Baghdad naman, isang improvised explosive device ang sumabog sa may palengke sa Maidan na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng limang katao.

Isang sundalo naman ang namatay sa may Tarmiya sa north Baghdad habang apat ang nasugatan nang isang homemade bomb ang sumabog malapit sa isang sasakyang pang-militar.

Kinumpirma ng mga ospital ang pagkakasawi ng biktima.

Read more...