Pinangunahan ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi ang inagurasyon ng Consulate General of the People’s Republic of China sa Davao City.
Ang pagpapasinaya sa konsulada ay bahagi ng dalawang araw na pagbisita ni Wang sa balwarte ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dumating si Wang sa Davao umaga ng Linggo kung saan sinalubong ito ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni Usec. Enrique Manalo.
Welcome naman para kay Sec. Teodoro Locsin Jr. ang inagurasyon ng Chinese consulate at sinabing ito ay patunay ng matagal ng pagkakaibigan ng Pilipinas at China.
Umaasa ang kalihim na sa pamamagitan nito ay lalalim pa ang ugnayan ng dalawang bansa.
Samantala, dumalo rin si Wang sa thanksgiving celebration ni dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na ginanap din sa Davao.
Ngayong araw ng Lunes ay nakatakdang magkaroon ng bilateral taks sina Wang at Locsin at inaasahang lalagda sa ilang mga kasunduan.