Panukalang isang buwan kada taon na pagpapasara sa Boracay suportado ng pangulo

Tiyak na susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na isara sa loob ng isang buwan kada taon ang isla ng Boracay.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na noon pa man, naging malinaw na ang polisiya ng pangulo na ipatupad ang mga reporma na nakabubuti lalo na sa kalikasan.

Hindi maikakaila na mismong si Pangulong Duterte pa ang nag-utos na isara ng anim na buwan ang Boracay para bigyang daan ang rehabilitasyon dahil na rin sa hindi maayos na sewerage system sa isla.

Ayon kay Panelo, lahat ng pamamamaraan para mapanatili ang kalinasan at kalusugan ng kalikasan ay tiyak na okay sa punong ehekutibo.

Sa ngayon, tanging ang Boracay pa lamang ang ipinasara ng pangulo.

Read more...