Malacañan pinag-iingat ang publiko sa pagdating ng bagyong Rosita

Pinag-iingat ng Palasyo ng Malacañan ang mga taga-northern Luzon at iba pang lugar na maaaring tamaan ng paparating na bagyong Rosita.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinbi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ibayong pag-iingat ang dapat na gawin ng publiko lalo na’t marami ang bibiyahe palabas ng Metro Manila para gunitain ang undas.

Ayon kay Panelo, mahigpit na rin ang utos ng pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Disasater Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at iba pa pang sangay ng pamahalaan na maging handa para sa pagresponde sa mga maapektuhan ng bagyo.

Naka-stand by na rin aniya ang mga relief goods at iba pang pangangailangan.

Read more...