Pagkakaabswelto ni Dian Yu hindi sampal sa war on drugs ng pamahalaan — Malacañan

Hindi itinuturing ng Palasyo ng Malacañan na big blow o isang malaking sampal sa anti-illegal drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakabasura ng korte sa kasong illegal drugs laban kay Dian Yu, anak ni drug queen Yu Yuk Lai.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sa halip na ituring na big blow, dapat na magsilbing leksyon na lamang sa pamahalaan ang kaso ni Yu.

Hindi aniya maaaring maituring na nasira na ang kampanya ni Pangulong Duterte dahil lamang sa pagkakabasura sa isang kaso.
Kung tutuusin, maliit na bagay lamang aniya ito dahil 0.001% lamang ito sa kabuuang 100% ng kampanya laban sa iligal na droga.

Dapat aniyang sundin ang batas at dapat maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang arresting team ay dapat tumalima dito para hindi madale sa teknikalidad.

Hindi rin aniya maaaring sisihin ang prosekusyon o ang korte dahil maaaring nasilip o hindi nasunod ang mga protocol kaya naabswelto si Yu.

Matatandaang ibinasura ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 49 ang kasong illegal drugs laban kay Yu dahil sa kawalan ng probabale cause.

Read more...