Malayo na sa dating imahe ng Boracay na maingay at magulo ang isla.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na matapos ang anim na buwang rehabilitasyon at buksang muli ang Boracay noong October 26, naging tahimik at maayos na ang isla.
Halimbawa na lamang ayon kay Andanar ang pagbabawal ng paninigarilyo at pag-inom sa mga pampublikong lugar.
Bukod dito, mas naging disiplinado na rin aniya ang mga residente at turista sa isla at hindi na nagtatapon ng basura sa kung saan-saan.
Higit sa lahat, sinabi ni Andanar na maayos na ring sumusunod ang mga establisyemento sa mga itinatakdang patakaran at batas sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES