Isang set ng Dalian coaches ang bumiyahe na sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Matagumpay na naideploy ng Department of Transporation (DOTr) ang tatlo sa 48 bagon na binili mula sa CRRC Dalian Co. Ltd sa China.
Dahil dito, inaasahang mababawasan ang bilang ng mga aberya sa MRT-3 na umabot na sa 56 mula nang magsimula ang 2018.
Sa panayam ng media kay Transportation Undersecretary John Batan na sumakay mismo sa unang pagbiyahe ng Dalian train, naging maayos ang deployment ng tren.
Layon anya nito na makita ang performance ng tren.
Anya ang deployment ng tatlong bagon ay matapos ang pagkakumpleto ng mga ito sa serye ng tests para masiguro kung ligtas itong sakyan ng mga pasahero.
Kabilang dito ang pagpapatakbo sa mga bagon ng hindi bababa sa 1,000 kilometro.
Matatandaang hindi agad nagamit ang mga bagon na binili sa ilalim ng administrasyong Aquino dahil sa sinasabing compatibility issues sa riles ng MRT.
Matagal nang sinabi ng CCRC na ligtas ang Dalian trains sa MRT.