Nasa 10 katao patay sa shooting incident sa Pittsburgh synagogue

AP Photo

Patay ang hindi lalampas sa 10 katao sa shooting incident sa Pittsburgh synagogue sa Pennsylvania ayon US media.

Ayon sa pulisya, inatake ang Tree of Life Congregation sa kanilang service.

Isang suspek na ang nasa kustodiya ngayon ng pulisya at nakilala ng US media bilang si Robert Bowers at nasa edad 40.

Tinawag ni Pittsburgh’s Public Safety Director Wendell Hissrich na karumal-dumal ang insidente.

Ayon kay Hissrich, isang ‘hate crime’ ang naganap at kinumpirma din nitong apat sa mga pulis ang sugatan.

Maging sa kanyang talumpati, sinabi ni US President Donald Trump na mayroong ‘multiple casualties’ na naitala sa insidente bagaman hindi tinukoy ang bilang.

Kinondena ng presidente ang pamamaril at iginiit na dapat nang mahinto ang krimen na ito na paulit-ulit na lamang anyang nangyayari sa bansa.

Sinabi naman ni World Jewish Congress President Ronald Lauder na ang insidente ay hindi lamang pag-atake sa Jewish Community kundi maging sa buong America.

Nanawagan si Pennsylvania Democrat Gov. Tom Wolf ng panalangin na wala ng buhay pa ang makitil.

Iginiit nito na dapat nang higpitan ang batas tungkol sa gun ownership sa bansa.

Read more...