Panibagong reklamo laban kay dating INC Minister Lowell Menorca inihain sa Manila RTC

Lowell-Menorca-1026Naghain ng panibagong reklamo ang magulang ni Abegail Yanson laban sa itiniwalag na ministro ng Iglesia ni Cristo na si Lowell Menorca.

Petition for writ of Amparo, Habeas Corpus at Habeas data na inihain nina Roselie at Candido Yanson sa Manila Regional Trial Court (RTC) laban kay Menorca, asawa nitong si Jingky, at si Brigadier General Rustico Guerrero, commandant ng Philippine Marine Corps,

Nag-ugat ang petisyon sa diumano ay patuloy na pagtanggi ng mga Menorca na pakawalan mula sa kanilang kustodiya ang isa pa nilang anak na si Ronald Yanson, kasama ang asawa nito na si Melissa at mga anak na sina John Andrei at Celestine Harrete.

Nabatid na si Ronald ay nagtatrabaho sa kaibigan ng mga Menorca na si Dr. Angel Ong sa Capas, Tarlac. Si Ong ay kabilang din sa mga respondent sa kaso.

October 26 umano ng sapilitang tinangay si Ronald at ang kanyang pamilya ng mga armadong lalaki na pinaniniwalang mula sa militar.

Nakasaad sa petisyon na October 29, 2015 nang makatanggap ang mga petitioner ng text message mula kay Ronald na sila raw ay nasa isang bantay-saradong lugar at pinagbabawalan na umalis ng bahay.

Ang nasabing lugar ay tila isa umanong kampo ng mga marines at Philippine Navy. Nakasaad umano sa text message ni Ronald na sila ay hindi pwedeng lumabas at matindi ang seguridad sa lugar dahil bukod sa marami ang nagbabantay, mayroon pang dalawang gate ang kailangang dadaanan para sila ay makalabas.

Nagtext pa raw uli si Ronald ng pasada alas 9:00 ng gabi ng October 29 kung saan sinasabi raw niya na nais na nilang umuwi pero hindi pa raw pwede hanggang hindi natatapos ang problema.

Ang mensahe umanong ito ni Ronald ay patunay na nais na nilang umuwi pero pinipigilan lamang sila ng mga Menorca at ng kanilang mga kasabwat.

Naniniwala ang mga petitioner na patuloy na nanganganib ang buhay, kalayaan at seguridad ng pamilya ni Ronald dahil sa patuloy na pananatili sa kamay ng umano ay dumukot sa kanila.

Isinama si General Guerrero sa kaso dahil ang mga marines umano ang nagbabantay sa safe house kung saan naroon sina Abegail.

Read more...