Kasama ni Padaca na dumating sa Sandiganbayan ang mga abogado niyang sina Atty. Armand Eleazar at Atty. Rafael Juico.
Si Padaca, na dati ring Comelec commissioner ay nahaharap sa apat na bilang ng kasong paglabag sa Section 8 ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa hindi paghahain ng SALNS para sa taong 2007 hanggang 2010.
Sampung libong piyansa ang inihain ni Padaca sa bawat kaso, kaya sa kabuuan ay naghain ito ng P40,000 na piyansa.
Una nang ipinag-utos ng Sandiganbayan 2nd division ang pag-aresto kay Padaca matapos makitaan ng probable cause ang kinakaharap nitong kaso.