Pinayuhan ni Health Sec. Francisco Duque III ang publiko na maging ligtas sa Undas.
Inirekomenda ni Duque na maagang mag-schedule ng biyahe para maiwasang maipit sa matinding trapik sa gitna ng mainit na panahon.
Nagpayo rin ang kalihim na magbaon ng sapat na tubig lalo na sa mga nakatatanda na madaling magkaroon ng dehydration at may mga iniinda ng sakit.
Mahalaga rin anya na may first aid kit at meryenda lalo na kung mahaba ang biyahe.
Ayon kay Duque, magtatalaga ang DOH ng medical staff at mga ambulansya sa mga key areas gaya ng sementeryo at mga terminal ng sasakyan para makatugon sa emergency.
MOST READ
LATEST STORIES