Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bukod sa political will ng pangulo, ang leksyon ng isla ay ang pagpapabaya ng mga responsableng opisyal sa pananatili ng kalinisan ng isla.
Hindi sana anya naging cesspool ang Boracay kung may political will ang mga otoridad gayundin ang stakeholders o mga negosyo sa isla sa pagsunod sa mga batas.
Gayunman ay pinuri ng Malakanyang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paglilinis sa Boracay.
MOST READ
LATEST STORIES