Pagasa: Northern Luzon tutumbukin ng bagyong Rosita

Huling namataan ng Pagasa ang bagyong Rosita kaninang alas-dyes ng umaga sa layong 1,345 kilometro sa Silangan ng Aparri, Cagayan.

May dalang lakas ng hangin ang nasabing bagyo na aabot sa 200 kph at pagbugsong aabot naman sa ng 245 kph.

Kumikilos ang bagyo sa direksiyong Kanluran sa bilis na 20 kph.

Inaasahan na mararamdaman ang malakas na pag-ulan na dala ng bagyo sa Northern at Central Luzon simula gabi ng Lunes, October 29.

Habang mapanganib naman ang mga mangingisda sa Northern at Eastern seaboard ng Luzon at seaboards ng Samar provinces.

Sa kasalukuyan ay wala pang itinataas na na tropical warning signal sa anumang parte ng bansa.

Kaugnay nito, posibleng magtaas ng signal sa Silangang bahagi ng Northern at Central Luzon bukas ng gabi, October 28, araw ng Linggo.

Inaasahan naman na magla-landfall ang bagyo sa Cagayan-Isabela area, Martes ng gabi, October 30. Inaabisuhan ang publiko na maging handa sa posibleng epekto ng bagyo.

Read more...