Nilinaw ng Department of Agriculture at ng National Food Authority (NFA) na hindi kasama sa sakop ng standard retail price ang iba’t ibang uri ng special rice.
Kabilang dito ang milagrosa, brown, red at black rice pati na rin ang japonica at malagkit.
Kanilang umaga ay pormal nang pinasimulan ng NFA ang pagpapatupad ng SRP sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa rice section ng Commonwealth Market sa Quezon City.
Simula rin ngayong araw ay bawal na ang paggamit ng iba’t ibang pangalan sa mga itinitindang bigas tulad ng Angelica, Sinandomeng, Jasmin at Yummy.
Nauna nang sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol na gagawin na lamang simple ang tawag sa mga variety ng bigas.
Samantala, narito ang SRP para sa iba’t ibang uri ng bigas sa mga palengke.
- Imported well-milled – P39
- Imported premium (PG1) – P43
- Imported premium (PG2) – 40
- Local regular milled – P39
- Local well-milled – P44
- Local premium grade – P47