Sundalo, nagpakamatay sa loob ng kampo sa Zamboanga City

Sangali Zambo CityNagbaril sa sarili ang isang sundalo sa loob mismo ng kampo sa Zamboanga City kagabi.

Si Staff Sgt. Edgardo Baguingan, 44 na taong gulang at residente ng Ballesteros, Cagayan ay nagbaril sa sarili sa loob ng bunker ng Army 214th Infantry Brigade sa Barangay Sangali.

Ginamit ni Baguingan ang M-16 armalite na inisyu sa kaniya sa ginawa nitong pagbaril sa ulo.

Pinaniniwalaan namang naglasing muna si Baguingan bago nagpakamatay dahil may nakitang dalawang basyo ng local brandy sa kaniyang tabi nang siya ay matagpuan.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Army 214th Infantry brigate para malaman kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng sundalo.

Magugunitang kamakailan, isang sundalo sa Basilan ang nag-amok at namaril sa loob ng kanilang kampo at napatay ang kaniyang mga kasamahan.

Read more...