Dating Marina Chief Rey Guerrero uupo na bilang Customs Commissioner sa Martes

Uupo na sa Martes October 30 bilang bagong Customs Commissioner si dating Marina chief Rey Guerrero kapalit ni Isidro Lapeña na inilipat sa Technical Education, Skills and Development Authority (TESDA).

Ito ay kasunod ng pulong sa pagitan nina Guerrero at Lapeña araw ng Biyernes.

Agad itinakda ang turnover dahil nag-aalala na umano ang mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa kontrobersyang dulot ng naipuslit na shabu na nagkakahalaga ng P11 billion.

Dahil sa naturang isyiu, 2 beses na nagpalit ng pinuno ang BOC sa loob lang ng 1 taon at 2 buwan.

Samantala, wala naman umanong panghihinayang si Lapeña sa termino nito bilang Customs chief.

Ayon kay Lapeña, nagawa niya ang dapat gawin bilang commissioner. Talaga naman anyang hindi 100% na matitigil ang kurapsyon sa BOC.

Read more...