Sa record na naitala noong buwan ng Setyembre, umabot sa P7.160 trillion ang utang Pilipinas.
Ayon sa datos mula sa Bureau of Treasury, nadagdagan ng P55.92 billion ang utang bansa kumpara sa buwan ng Agosto.
Nasa P4.587 trllion ang panloob na utang ng bansa o ang tinatawag na domestic debt, habang P2.572 trillion naman ang panlabas na utang o foreign debt.
Sinabi ng BTR na ang paglobo pa ng utang ng bansa ay dahil sa pag-avail ng Pilipinas sa mga foreign loan na umabot sa P22.52 billion.
Nagkaroon din ng epekto ang paghina ng piso kontra dolyar.
MOST READ
LATEST STORIES