Patuloy ang pagdating ng mga turista sa Boracay.
Ito ay kasabay ng pagbubukas muli ng isla ngayong araw (Oct. 26), makalipas ang kalahating taong rehabilitasyon.
Alas 11:30 ng umaga ng Biyernes nasa 1,121 na mga turista ang pumasok sa Boracay.
Ayon sa Boracay Tourism, ito ay doble ng tourists arrival kahapon (October 25) na nasa 409 na katao.
At batay naman sa Cagban Port, as of 6:00 p.m. ay nasa 2,901 ang mga pumasok sa isla sa unang araw ng reopening ng Bora.
Pero inaasahang tataas pa ang bilang dahil sa weekend.
May mga resort naman, lalo na sa harap ng white beach, ay fully operational na.
Kanina ay nasa 200 na katao ang grumaduate mula sa training ng Coast Guard. Tatawagin silang Boracay Batwatch na magbabantay at mag-aasiste sa mga turista.
Ayon sa PCG, kinakailangan din na mayroon sariling lifeguards ang bawat resorts, at maaring mga lokal na residente ang kunin sa trabahong ito, para maging extra income rin sa kanila.