Rollback sa presyo ng gasolina ngayong linggo nasa P1.60 hanggang P1.75 kada litro

Isa pang bigtime oil price rollback ang aasahan ng mga motorista sa susunod na linggo.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa pagtaya mula sa oil industry sources, nasa pagitan ng P1.60 hanggang P1.75 kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina.

Maglalaro naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang rollback sa kada litro ng diesel.

Habang sa kerosene ay nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang mababawas.

Ayon kay Energy Deputy Sec. Felix Fuentebella, nasa pinakamababang presyo ang krudo simula noong Agosto.

Nababawasan na rin anya ang demand habang dumarami ang supply dahil sa nakaambang ng sanction ng Estados Unidos sa oil exporter na Iran.

Sa ngayon ay nasa $74 per barrel ang presyo ng krudo ng Dubai, pinakamababa mula noong huling bahagi ng Agosto.

Read more...