40 bahay nasunog sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City

Addition hills
Juddah Jusay’s Twitter Post

Nasunog ang aabot sa 40 bahay sa Welfareville, Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 12:00 ng tanghali ng Biyernes, November 6 na umabot sa ika-apat na alarma.

Magkakadikit ang mga bahay sa lugar na ang iba ay gawa pa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Ala 1:35 ng hapon nang maideklarang fire out na ang sunog.

Inaalam pa ng Mandaluyong City Bureau of Fire kung magkano ang halaga ng natupok ng apoy.

Iniimestigahan din kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...