Bibisita sa bansa ngayong weekend si Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Ang pagbisita ni Wang sa bansa ay mula Octber 28 araw ng Linggo hanggang 29 araw ng Lunes ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
May pulong si Wang kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kaniyang counterpart na si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa Davao City.
Maliban dito, inaasahan ding makikipagpulong si Wang sa economic managers ng gobyerno kaugnay sa mga “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.
Ayon sa DFA, may lalagdaan ding bilateral agreements sa pagitan ng China at Pilipinas pero hindi na tinukoy sa abiso kung tungkol saan.
READ NEXT
Dating SP Enrile kumambyo, aminado nang nagkaroon ng paglabag sa karapatang pantao at pagpatay noong martial law
MOST READ
LATEST STORIES