Sa isang panayam, sinabi ng 94-anyos na si Enrile na hindi niya alam na mahigit 11,000 ang human rights victims sa ilalim ng Marcos regime.
Humingi ng paumanhin si Enrile kung nasaktan niya ang isa sa mga biktima ng pag-abuso sa martial law.
Una rito ay sinabi ng dating senador na walang naaresto sa dating panahon ng batas militar dahil sa kanilang paniniwalang pulitikal o pagbatikos kay Marcos.
Inamin din ni Enrile na nagkaroon ng mga paglabag sa karapatang pantao at pagpatay sa ilalim ng Marcos martial law.
Kikumpirma rin nito na naabuso ang karapatan ng mga taong tinangkang patalsikin si Marcos kabilang ang mga lider ng oposisyon at mga mamamahayag.
Ayon kay Enrile, sinubukan niyang maiwasan ang pananakit o pagpatay sa sinuman noong martial law.
Ang bagong pahayag ni Enrile ay taliwas sa una nitong sinabi na walang human rights abuses, walang ipinakulong at walang ipinapatay sa Marcos martial law.