P853,000 na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa Davao City

Nakumpiska ng mga otoridad ang mula sa isang menor de edad ang P853,000 na hala ng shabu sa Davao City.

Nakuha sa menor de ead na suspek ang aabot sa 15 sachet ng shabu matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga pulis.

Ayon sa Davao City police, tubong Lanao del Sur ang suspek.

Aminado naman ang menor de edad na dala niya nga ang mga nakuhang droga sa kaniya pero hindi umano ito sa kaniya..

Inutusan lang umano siyang dalhin o ideliver ang mga ito sa Davao.

Read more...