DOJ naghain ng apela sa Makati RTC sa nabasurang hirit na arrest warrant vs Trillanes

Pormal nang iniapale ng Department of Justice (DOJ) ang hindi pagpapaaresto ng korte sa Makati City kay Sen. Antonio Trillanes IV para sa kasong kudeta.

Hiniling ng DOJ sa Makati Regional Trial Court Branch 148 ang partial reconsideration ng pagbasura sa hiling nilang arrest warrant sa senador.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, inihain ng state prosecutors ang motion for partial reconsideration sa sala ni Judge Andres Soriano.

Nakatakda anyang dinggin ng hukom ang mosyon ng prosekusyon sa Martes, October 30.

Hindi ipinaaresto ng korte si Trillanes dahil naging final and executory na umano ang una nitong desisyon noong 2011 sa kaso ng senador.

Kinilala naman ng hukom ang legalidad ng Proclamation no. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa amnesty ni Trillanes.

Pero sinabi ng korte na nakapag-apply ang senador ng amnestiya at umamin ito ng guilt sa kanyang ginawa.

Read more...