Number coding suspendido sa Nov. 1 at 2 – MMDA

Suspendido ang pag-iral ng number coding sa November 1 at 2, na kapwa deklaradong special non-working holidays.

Inanunsyo ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Idineklarang holiday ang dalawang nabanggit na petsa na pumatak ng araw ng Huwebes at Biyernes para sa paggunita ng Undas.

Ayon kay lim, nagsimula na rin ang paghahanda ng MMDA para matiyak ang maayos na daloy ng traffic sa Metro Manila sa Undas.

Inaasahan kasing dadagsain ang mga sementeryo ng mga bibista sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Wala pa namang abiso ang Makati City at Las Pinas City kung magpapatupad din ba sila ng suspensyon ng number coding para sa nasabing petsa,

Read more...