Online appointment system para sa seaman’s book paiiralin na ng Marina

Inilunsad na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang online appointment system nito para sa seaman’s book o Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB).

Simula sa November 5, paiiralin na ang online appointment para sa mga mag-aapply ng seman’s book.

Ang SIRB ay identity document ng mga Filipino seafarer.

Maaring ma-access ang appointment system sa website ng Marina.

Bahagi ito ng computerization at automation sa mga proseso sa ahensya.

Read more...