Smart nagkaproblema sa mobile internet service

(UPDATE) Nagkaproblema ang mobile internet service ng Smart.

Sa abiso ng Smart Communications, sinabi nito na ang mga Smart, TNT at Sun subscribers ay nakaranas ng pagbagal sa kanilang mobile internet services.

Hindi naman tinukoy sa abiso kung ano ang partikular na isyung nararanasan na nagiging dahilan ng pagbagal hanggang sa tuluyang pagkawala na ng signal para sa internet service.

Naranasan ang problema mula Biyernes, Oct. 26 ng umaga.

Pero ilan sa mga Smart subscibers ang nagsabi na ilang araw na silang nahihirapan na mag-access sa mobile internet service.

Makalipas naman ang ilang oras sinabi ng Smart na naibalik na sa normal ang kanilang internet service.

Pinayuhan din ang mga sibscibers na i-restart ang kanilang cellphones.

Read more...