Pangulong Duterte kuntento sa resulta ng rehabilitasyon sa Boracay

Kuha ni Isa Umali

Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging resulta ng anim na buwang rehabilitasyon sa Boracay.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, masaya ang pangulo sa naging resulta ng rehabilitasyon sa isla.

Katunayan sinabi ni Panelo na pinapurihan ni Pangulong Duterte ang mga kalihim ng mga kagawarang kasapi ng task force para sa Boracay rehab.

Umaasa naman ang Malakanyang na magsisilbi nang aral sa mga turista ang nangyari sa Boracay.

Kasama si Panelo sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na dumalo sa reopening ng isla.

Read more...