Pag-recycle ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng gobyerno, idinepensa ni Rep. Arroyo

Idinepensa ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang ginagawang pag-recycle ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno at pagtatalaga ng military men sa pamahalaan.

Ayon kay Arroyo, naniniwala siyang alam ni Pangulong Duterte ang kaniyang ginagawa.

Bilang isang dating pangulo sinabi ni Arroyo na alam niya kung gaano karami ang dapat ikunsidera bago magpasya at pumili ng hihiranging opisyal sa isang pwesto.

Wala ding nakikitang mali si Arroyo sa pagtatalaga ng mga militar sa pwesto sa gobyerno.

Ani Arroyo, magagaling ang mga military official na hinihirang ni Pangulong Duterte.

Read more...