3 sundalo patay sa engkwentro sa Abu Sayyaf sa Sulu

Patay ang tatlong tauhan ng Philippine Marines makaraang maka-engkwentro ang mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, nakasagupa ng mga tauhan ng 62nd, 61st at 64th Marine companies ang hind pa matukoy na bilang ng mga bandido sa ilalim ng pamumuno ng mga sub-leader na sina Alnijar Ekit at Aldi Alun sa Barangay Timpook.

Nakuha naman ng mga sundalo ang isang M14 rifle at pitong M14 magazines.

May tatlo ding nasugatan na sundalo na agad dinala sa KHTB Station Hospital.

Sa panig naman ng mga bandido, isa ang nasawi at marami din ang malubhang nasugatan matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Read more...