BOC dapat may SOP sa x-ray inspection ayon kay Rep. Barbers

Dapat may sinusunod na standard operating procedure ang Bureau of Customs para sa pagsasagawa ng x-ray inspection sa mga bagahe.

Ito ang sinabi ni Surigao Del Norte 2nd District Rep. Ace Barbers, pinuno ng Dangerous Drugs Committee sa Kamara.

Sinabi ni Barbers na sa kanilang pagsasagawa ng pagdinig, nakitaan nila ng lapses ang BOC X-ray inspection project.

Ani Barbers, sa sandaling makabalik sa sesyon ang Kamara ay irerekomenda ang pagpapatupad na ng SOP sa pag X-ray sa mga kargamento.

Sa Nov. 12 magbabalik ang sesyon ng Kamara.

Read more...