Estudyante patay sa pananaksak sa Isabela

Patay ang isang 18 anyos na estudyante matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa Barangay Calaocan, Cabatuan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Mike Raven Abad.

Ayon kay Isabela Police Director Sr. Supt. Mariano Rodriguez, pinara ng suspek na si Sherwin Rivera, 36 anyos ang tricycle ni Abad pero hindi niya tinigilan ang suspek.

Sakay ng motorsiklo ay hinabol ni Rivera ang tricycle na sinasakyan ni Abad at isa pang hindi pinangalanang kasama nito.

Nang abutan sinaksak ni Rivera ng tatlong beses sa dibdib si Abad.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Cabatuan Family Clinic.

Hawak na ng mga pulis si Rivera at patuloy ang imbestigasyon sa motibo nito sa ginawang pagpatay sa biktima.

Read more...