Klase sa isang paaralan sa Pangasinan binulabog ng bomb threat

Binulabog ng bomb threat ang isang paaralan sa Pangasinan.

Isang banta ang tinangap ng principal ng Pangasinan National High School na si Ginang Elvira Viray at sinabi na mayroong bomba sa eskwelahan.

Agad namang tumawag sa mga otoridad si Ginang Viray para masuri ang paaralan.

Agad na nagtalaga ng bomb squad at wala namang nakitang bomba matapos ang paggalugad sa eskwelahan.

Noong Huwebes, nakatanggap din ng bomb threat ang University of Luzon dahilan para palabasin ng campus ang mga mag-aaral.

Read more...