Lapeña gustong iiwas sa intriga ni Pangulong Duterte kaya inilipat sa Tesda

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maiiwas sa intriga si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña kaya ito inalis sa BOC.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo matagal nang napag-isipan ang paglilipat kay Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) pero dapat sa susunod na linggo pa ito iaanunsyo.

Ani Panelo, matagal nang nakahanda ang paglilipat kay Lapeña at napabilis ito nang biglang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Panelo na sinisiraan ng husto si Lapeña sa Customs kaya inalis ito ng pangulo sa ahensya.

Read more...