Kasabay ng muling pagbubukas ng Boracay, ipinakita na rin sa publiko ang bagong icon ng isla.
Ang naturang icon ay magsisilbing selfie wall o photo wall para sa mga turistang darating sa Boracay.
Ang nasabing icon ay larawan ng bagong Boracay na may malinis ang tabing-dagat, puting buhangin at asul na asul na tubig.
Pagkatapos ng unveiling ng bagong icon ng Boracay, nagpakuha dito ng larawan ang mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa reopening ng isla.
Nagpamalas din ng ati-atihan dance ang mga miyembro ng Ati tribe bilang bahagi ng aktibidad.
Members of the Ati tribe perform the Ati-atihan dance https://t.co/UAWhAoXkjQ
— DENR (@DENROfficial) October 26, 2018
Si Tourism Sec. Berna Romulo – Puyat naman ang opisyal na nagdeklara ng pagbubukas ng Boracay.