Nakilala ang biktima na si Darwin Erandio, 41 anyos at magdiriwang sana ng kaniyang kaarawan ngayong araw ng Biyernes, Oct. 26.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay ng bisikleta si Erandio nang masabit ito sa trak na minamaneho ni Christian Pentinio.
Sumemplang ang bisikleta at bumagsak sa kalsada si Erandio dahilan para masagasaan siya at makaladkad pa ng ilang metro.
Hawak naman ng mga otoridad si Pentinio na posibleng mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
MOST READ
LATEST STORIES