Arestado ang limang katao kabilang ang may-ari ng isang video karera sa isinagawang pagsalakay ng mga otoridad sa Baesa, Quezon City.
Nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng Quezon City Police District Station 3 hinggil sa operasyon ng video karera sa Sitio Pajo.
Pero nang pasukin na ang bahay, may mga makitang shabu at natuklasan na ginagamit palang drug den ang lugar.
Lima ang dinakip sa naturang operasyon kabilang ang may-ari ng mga video karera machine na si Katherine Mercado.
Itinanggi naman ni Mercado na nagbebenta siya ng shabu pero aminado itong gumagamit siya ng ilegal na droga.
Nakuha sa naturang bahay ang sampung sachet ng hinihinalang shabu, digital na timbangan at mga drug paraphernalia.
MOST READ
LATEST STORIES