Typhoon Yutu hihina pa bago tumama sa bansa

Nananatiling nasa labas ng bansa ang Typhoon Yutu at nasa karagatang pasipiko.

Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa 2,120 kilometers East ng Central Luzon.

Bahagya itong humina at taglay na lang ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 220 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, sa Northern Luzon posibleng tumama ang bagyo o kaya ay sa Central Luzon area.

Mananatili ang typhoon intensity nito ngayong araw at bukas, pero hihina pa ang bagyo bago tuluyang tumama sa bansa dahil napapasukan ito ng malamagi na hangin.

Bukas, araw ng Linggo o ‘di kaya ay sa Linggo maaring pumasok na ito ng bansa.

Ngayong araw, magiging maaliwalas ang lagay ng panahon sa buong bansa at tanging northeasterlies surface windflow lamang ang umiiral sa Northern Luzon area.

Posible namang ngayong araw o kaya ay early next week ay idedeklara na ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng hanging Amihan.

Read more...