Ex-BOC official na si Guban, ililipat sa NBI – Guevarra

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ililipat sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban kapag natapos na ang imbestigasyon ng Senado sa bilyong pisong halaga ng shabu na naipuslit sa bansa sa pamamagitan ng magnetic lifters.

Ayon kay Guevarra, nagkasundo sila ni Senador Richard Gordon na ililipat lang si Guban sa kustodiya ng NBI matapos ang imbestigasyon ng Senado.

Kinumpirma naman ng kalihim na ikukunsiderang mailagay si Guabn sa Witness Protection Program (WPP) matapos masunod ang lahat ng requirements.

Una nang sinabi ni Gordon na isa ng testigo si Guban at mananatili ito sa Senate custody hanggang mapasok sa WPP.

Sinabi naman ni Guevarra na magsasagawa ang NBI ng dagdag na imbestigasyon batay sa Senate committee report at maghahain sila ng kaulkulang reklamo base sa ebidensya.

Read more...