Iginiit ni Trillanes na ang mga batikos niya laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ay alinsunod sa nakasaad sa konstitusyon na karapatan sa malayang paghahayag.
Ang argumento ni Trillanes na nakapaloob sa kanyang 35-pahinang counter-affidavit na may motion to dismiss, bigo ang mga complainant na ma-establish na guilty siya sa krimen na sedition.
Ang kaso ay isinampa ng mga abogadong sina Eligio Mallari, Glenn Chong, Nestor Ifurung, Jacinto Paras, Eduardo Bringas, Nasser Marohomsalic at negosyanteng si Louis Biraogo noong November 2017.
Nag-ugat ito sa privilege speech ng senador kung saan inakusahan nito si Duterte ng umano’y pagkakaroon ng nakaw na yaman na hanggang P2 bilyon mula 2006 hanggang 2015.
Sa panayam matapos ang talumpati, sinabi naman ni Trillanes na pwedeng gamitin ng mga sundalo ang kanilang M-60 machine guns laban sa pangulo dahil sa dami ng mga ebidensya na umano’y nagpapatunay ng nakaw na yaman nito.