PDEA chief hindi sasama sa mga gustong magpasibak kay Lapeña

Inquirer photo

Tumanggi si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na sumama sa mga nananawagan para sa pagbaba sa pwesto ni Customs Comm. Isidro Lapeña.

“I don’t want to comment on that. It’s up to the President. It’s also up to Lapeña if he wants to resign or not”, ayon kay Aquino.

Nauna dito ay sinabi ni Aquino na posibleng umabot sa P11 Billion at hindi P6.8 Billion ang halaga ng droga na naipuslit sa bansa gamit ang ilang magnetic lifters.

Imbes na sumama sa mga nagpapababa sa pwesto kay Lapeña, sinabi ni Aquino na mas mabuting magtulungan ang PDEA, BOC at iba pang law enforcement agencies sa paghahanap sa naipuslit na droga.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na posibleng ang droga mula sa mga magnetic lifters ang dahilan kung bakit dumami ang supply ng shabu sa Metro Manila na nagresulta rin sa pagbaba ng presyo nito.

“Ang gusto ko lang finally matapos na ito. Gusto ko lalong ma-resolve ang problema na ito, at gusto ko finally sana mahinto na. This will be the last drug smuggling sa lugar na iyan or kahit saan mang lugar,” dagdag pa ni Aquino.

Read more...