Lapeña pumalag sa ulat ng PDEA na P11-B ang halaga ng naipuslit na droga

Hindi sang-ayon si Commissioner Isidro Lapeña sa pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na aabot sa P11 Billion at hindi lang P6.8 Billion ang halaga ng shabu shipment na nadiskubre sa Cavite.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Lapeña na hindi magreresulta sa P11 Billion na halaga ng shabu na pumasok sa bansa base sa mga impormasyon na kanilang nakuha.

“If we will just took, look at the four empty containers. That will not, hindi iyong magreresulta ng P11 Billion, dahil kasi, sabihin mo na, even less than one ton. Well of course, kahit na may kalahating ton, napakalaki na iyan, that is something very serious”, pahayag pa ni Lapeña.

Gayunman, sinabi ng opisyal na siniseryoso ng BOC ang impormasyong inilabas ng PDEA.

Ito aniya ang dahilan kung kaya kailangan na tutukan ang mga sindikato ng iligal na droga at harangin ang anumang shipment para hindi na muling malusutan pa.

Binigyang-diin pa ng opisyal na tuloy ang kanilang kampanya laban sa mga kontrabando lalo na ang droga.

Read more...