OTS personnel sa laglag-bala isyu: “Durog na durog na po ang pagkatao namin”

naia2 tanim bala grig montegrande
Inquirer File Photo / Grig Montegrande

Nagdaos ng isang ‘unity mass’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga tauhan ng Office for Transportation Security – Department of Transportation and Communications (OTS-DOTC).

Ito ay sa kasagsagan mainit na isyu kaugnay sa “laglag-bala” o “tanim-bala” sa NAIA.

Paggigiit ng mga tauhan ng ATO, wala silang kinalaman sa tanim-bala o laglag-bala kaya dismayado sila dahil sobrang sama na ng tingin sa kanila ng publiko dahil sa isyu.

Ayon kay Edgar Anas ng National Employees Association of Transport Security, sana ay unawain sila ng publiko at hintayin na lamang muna ang magiging resulta ng imbestigasyon ng NBI bago sila husgahan.

“Ang pakiusap ko na lang po sa lahat ng kasamahan sa media, sa mga pasahero, sana po unawain din ninyo kami durog na durog na po ang pagkataon namin, apektado na rin pati pamilya namin. Nagsalita naman na ang aming administrator, hiningi na ang tulong NBI sana hintayin po nating matapos ang lahat ng ito. Kuntil na kami sa mata ng tao kaya sa Diyos na kami umaasa,” sinabi ni Anas.

Maliban sa paglaki ng kontrobersiya dito sa Pilipinas, umabot na rin sa ibang bansa ang laglag-bala isyu.

Sa Japan, isang TV show doon ang ginamit ang laglag-bala isyu sa kanilang skit, lumabas din ang usapin sa hong Kong news sites at sa American news.

Read more...