Drug den na katabi lang ng bahay ng kapitan ng barangay sinalakay sa Maynila

Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District Station 7 ang isang drug den sa Abad Santos, Tondo Maynila.

Ang drug den ay katabi lamang ng bahay ng kapitana sa Barangay 212 na si Carmelita Francisco.

Naaresto ang anim na katao kabilang ang isang tanod sa naturang drug den matapos silang makuhanan ng walong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Francisco, pinagsasabihan naman niya ang mga suspek na tigilan na ang gawain.

Itinanggi naman ng mga suspek na gumagamit sila ng shabu.

Read more...