40 gowns na ginamit ng mga beauty queens sa France, ninakaw

Courtesy: SIPA PRESS Pierre Villard via Miss France Twitter

Tinangay ng mga magnanakaw ang aabot sa 40 gowns na isinuot ng iba’t ibang beauty queens sa France.

Ito ay matapos pasukin ng kawatan ang headquarters ng Miss France organizing committee.

Ayon sa organizer ng pageant na si Genevieve de Fontenay, ang mga ninakaw na gowns ay pawang ginamit sa finals ng Miss France.

Kabilang sa tinangay ang gown na isinuot ng kauna-unahang African-born na nakasungkit ng titulo na si Sonia Rolland noong 2000.

Ayon kay Fontenay, dahil sa insidente malaking bahagi ng kasaysayan ng Miss France ang nawala.

Read more...