Dalawa na ang naitatalang patay habang marami pa ang sinasabing sugatan sa naganap na shooting incident sa isang grocery store sa Louisville, Kentucky.
Ang impormasyon ay mula kay Jeffersontown Police Chief Sam Rogers at sinabing ang mga nasawi ay mula sa labas at loob ng Kroger grocery store.
Ayon kay Eric Deacon, isang emergency medical technician, namimili lamang siya nang makarinig ng malakas na putok ng baril.
Giit ni Deacon, sobrang nakakatakot ang sitwasyon.
Sa pahayag ng Kroger grocery store, nangyari ang shooting incident alas-2:30 ng hapon sa Kentucky.
Nagpasalamat ito sa agad na pagresponde ng mga pulis at iginiit na nadakip agad ang isang suspek.
Ayon sa Kroger, tiyak na ang seguridad sa kanilang tindahan.
MOST READ
LATEST STORIES