P10 na pasahe sa jeep masyasong mataas ayon sa isang commuters group

Kung ang Commuters Safety and Protection ang tatanungin, hindi katanggaptanggap ang dalawang pisong dagdag sa pamasahe sa jeepney na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Communters Safety and Protection founding president Atty. Ariel Inton, masyadong mataas para sa mga ordinaryong mananakay ang dalawang pisong dagdag na pamasahe.

Marami umano silang natatanggap na hinaing mula sa mga manakakay na umaaray sa dagdag pamasahe.

Naiintindihan umano ng commuters group ang pinagdadaanan ng mga tsuper at operator ng jeepney, lalo na sa mataas na presyo ngayon ng diesel at gasolina at idagdag pa ang malalang problema sa trapiko na nagpapaliit sa kita ng mga driver.

Hindi naman tutol ang grupo sa dagdag pamasahe pero sa kung magkano ay dapat abot-kaya ito ng mga ordinaryong mananakay.

WATCH:

Read more...