UP tinalo ang FEU sa UAAP men’s basketball

Tie ngayon sa ikaapat na pwesto ang University of the Philippines Fighting Maroons at Far Eastern University Tamaraws matapos ang kanilang tapatan kagabi para sa UAAP Season 81 men’s basketball.

Nagwagi ang UP kontra FEU sa iskor na 95-82.

Dahil dito, kapwa na sila mayroong 5-5 win-loss record.

Si Paul Desiderio ang nanguna sa Maroons matapos nitong makapagtala ng 31 puntos at apat na assists. Sinundana naman siya ni Bright Akhuetie na nakapagbigay ng 20 puntos.

Para naman sa Tamaraws, si Barkley Eboña ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 13 points at 8 rebounds.

Read more...