Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong buwan

MERALCO/SEPT.8,2014 Meralco workers inspect electric meters for illegal connections along MICT South Acces Road, Tondo, Manila. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Magpapatupad ng dagdag sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Nobyembre.

Ito ay matapos ang anim na magkakasunod na buwan na nagpatupad ng bawas ang Meralco sa kanilang singil sa sa kuryente.

Ayon sa Meralco, nagkaroon kasi ng pagtaas sa generation charge kaya may epekto ito sa bayarin ng mga consumers.

Pagtaas na P0.13/kWh ang madaragdag na bayarin at magre-reflect ito sa November bill.

Ang nasabing halaga ng pagtaas ay katumbas ng P26 na dagdag sa bayarin ng mga consumers na kumokonsumo ng 220kWh kada buwan.

Read more...